Home Entertainment Gawad Urian Best Aktres Janine Gutierrez, Nasa Kapamilya Na

Gawad Urian Best Aktres Janine Gutierrez, Nasa Kapamilya Na

by

GAWAD URIAN BEST AKTRES JANINE GUTIERREZ, NASA KAPAMILYA NA

Written by RB Jane

Larawan nang pagkasabik at walang pagsidlang kasiyahan ang napakagandang Showbiz Royalte nang pormal itong ipakilala bilang bagong miembro ng kapamilya network.

Nagmula sa angkan ng mga bigating pangalan sa industria ng pelikula at musika si Janine.

Janine Marie Elizabeth de Leon Gutierrez  sa totoong buhay na ipinanganak noong  Octobre 2, 1989, sa amang si Ramon Christopher Gutierrez at inang Lotlot de Leon. Si Janine ay panganay sa apat na magkapatid.

Credit to https://www.lionheartv.net/
Credit to https://www.lionheartv.net/

Unang nasilayan sa GMA artist Center si Janine noong 2011 at ilan sa mga proyektong kinabilangan nito ay ang Makapiling kang Muli, Encantadia, Victor Magtaqnggol at Dragon Lady, dagdag rin ang mga pinagbidahang pelikula kabilang na ang Elise, Dagsin at ang  pamosong Babe at baril.

Pinatunayan ng aktress ang sariling kakayanan sa industria sa mga mahuhusay niyang panganap na umani ng maraming papuri at mga parangal.

Apat na best actress award ang naiuwi ni Janine sa obrang Babae at Baril na ipinalas noong 2019. Kabilang dito ay ang Pylon Award for Best Actress mula sa Pylon Award for Best Actress, Outstanding Indie Film Actress of the Year sa 2nd Laguna Excellence Awards, Best Actress mula sa 43rd Gawad Urian at Best Actress mula naman 7th Urduja Heritage Film Awards.

Naging mainit na usapin sa social media ang paglipat ni Janine na tila mas nag apoy  dahil sa napaagang pag anunsiyo ng kapamilya actor  na si Paolo Avelino ukol dito.

“Nagulat ako, ahhhh  nagulat ako sa pa announcement ni  Pao, but at the same time  I’m excited also to work with him here kasi nakagawa kami ng movie together…” natatawang kwento pa ni Janine.

Ibinagi ni Janine ang saloobin  sa kanyang pag lipat.

“ Super excited akong maging kapamilya, I’m so excited to work with kapamilya actors, directors, ahm, and I’m really looking forward for this new year and I’m in a new home so sobrang grateful ko sa ABS-CBN.”

related posts

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy
Philippine Morning Post