Home Entertainment VIDEO: Miss World 2013 Megan Young at Asawang Mikael Daez May Bagong Bahay Na

VIDEO: Miss World 2013 Megan Young at Asawang Mikael Daez May Bagong Bahay Na

by

VIDEO: MISS WORLD 2013 MEGAN YOUNG AT ASAWANG MIKAEL DAEZ MAY BAGONG BAHAY NA

Written by Rb Jane

Ang  StarStruck alumni, Star Magic  talent  at beauty queen na si  Megan Young ay ikinasal kay Mikael Daez last year,  January 25, 2020. Matapos ang napakahabang love story of 9 years ay nauwi nga sila sa isang napakagandang kasalan.  Isang high fashion “Bohemian Organic” wedding na umani ng maraming papuri mula sa kapwa artista, fashion community at lalong lalo na sa maraming fans na laging sumusubaybay sa dalawa, di lang dito  sa Pilipinas pati narin sa ibang bansa.

Bago paman maganap ang magarbong kasalan sa El Kabayo,  Subic ay isang intimate wedding ceremony na ang idinaos sa isang simbahan sa Nasugbu, Batangas.

Watch This Video:

Aktibo sa kanya kanyang social media account and dalawa at kitang-kita  ang subrang simpleng buhay na punong puno ng kasiyahan. Ipinapakita nila ang mga kaganapan sa araw araw, mula sa simpleng paglalaro ng computer games, pag gawa ng mga videos at nag bibigay din sila ng  ibat-ibang  tips para sa pagpili ng mga gadgets.

Parehong mahilig sa kapi ang mag-asawa, at madalas itong paksa sa mga updates at post nila. Makikita din ang cute na cute nilang aso na kinagigiliwan ng lahat.

Sa latest post ni Mikael sa Instagram account ay ibinahagi nga nito ang mga kaganapan sa kanilang paglilipat bahay.

Ipinakitang halos lahat ng gamit sa naipadala na sa bagong lilipatan ngunit dahil hindi pa nailipat  ang lahat ay kinailangan nilang magpalipas pa ng gabi sa dating condo at dahil wala na kanilang kama ay matutulog  ang mag-asawa sa sahig at laking pasasalamat nila na may naiwan pa silang comforter  na pupwedeng gamitin.

Walang kaproble problema ang dalawang naghanda sa pagtulog kasama ang alagang aso sa gitna ng mga naka impakeng gamit. Masayang kulitan at tawanan parin ang cool na cool na mag-asawa, animoy naglalaro lang ng bahay bahayan. Ibinahagi rin nila ang lubos nilang kaligayahan sa kanilang paglilipat sa bagong bahay sa bagong simula ng taon 2021.

related posts

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy
Philippine Morning Post