Written by Abril Cyril Rodriguez
Tulad ng inaasahan, may patutsada si VP Leni Robredo sa payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang anak na si Sara Duterte na huwag tumakbo bilang pagka Pangulo sa bansa dahil ito ay trabaho ng mga kalalakihan.
Nagkomento naman dito si VP Robredo at sinabi na kung ang pahayag na iyon ay nanggaling umano sa bibig mismo ng Pangulo, ito ay hindi makakatulong. Nabanggit din niya ang tungkol sa campaign at ang pahayag ng Pangulo. Payo pa ni Robredo na sana ay maging mahinahon at isipin muna ng Pangulo ang kaniyang mga sasabihin dahil hindi naman siya isang ordinaryong tao. Sinabi niya na hindi siya nagsasalita para kay Sara o para sa kaniya kundi para sa mga kababaihang nangunguna. Ang pananaw ng isang leader na ang mga kababaihan ay mas mababa ay mayroong epekto sa lahat ng mga kababaihang Pilipino.
Binweltahan naman ni Atty. Nick Nangit sa kaniyang Facebook page na ‘Nick Nangit – NCN Law’ ang komento ni VP Robredo sa pahayag ni Pangulong Duterte na ang pagka Pangulo ay hindi trabaho ng mga kababaihan.
Nilinaw din ni Atty. Nick ang campaign na tinutukoy ni Robredo. Sinabi niya na tila sinusubukan na naman ni Robredo na lokohin ang mga tao at isinasama ang mga kababaihan kasama na ang mga £GBTQ¡@+++ para makuha ang simpatya ng tao ngunit sa katunayan ay hindi naman nabanggit ang gender equality. Sinabi niya na napahina ng comprehension level ni Robredo.
“Ang Patola, bow!
Una, anong kampanya yan, ale? Manloloko ka ulit at ipipilit isama ang mga kababaihan (pati £GBTQ¡@+++) para makahakot lang ng simpatiya, e hindi tinutukoy dito ang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan. Ang baba talaga ng comprehension level mo!”
Pinaalalahanan din ni Atty. Nick si Robredo na aralin niya ang ‘read in context’ o ‘listen to it in context’. Pagpapatuloy pa ng paliwanag ni Atty. Nick na ang sinabi lang ni Duterte na ang trabaho ng pagiging Pangulo ay mahirap at kinakailangan na maging matatag at matalino ang susunod na Pangulo. Sinabi din ni Atty. Nick na si Robredo ay hindi pasok sa qualification ng pagiging susunod ng Pangulo.
“Pangalawa, may tinatawag na “read it in context” or, in this case, “listen to it in context”. Pwede rin iyan pumasok sa simpleng “expression”, “idiom”, o “figure of speech”. Pag sinabi bang “no man is an island” o “manpower” o “man the craft” e ang mga babae ay hindi kasama? E di wow! Ale, ang ibig sabihin ng Pangulo ay “it’s a tough job”, at kailangan malakas at matalino ang susunod sa posisyon niya. Malakas ka ba? Matalino ka ba? HINDI ikaw yun, dahil sablay ka sa lahat ng anggulo (lagyan mo pa ng “p”), ok?!”
Pangtlo, sinabi pa ni Atty. Nick na kahit ang anak ng Pangulo na isa ding babae ay hindi naman nag-react sa sinabi ng kaniyang ama at kahit pa ang karamihan sa mga Pilipinong kababaihan.
” At pangatlo, ni dafter nga ng Pangulon who is also a girl ay hindi kumontra o nasaktan sa sinabi ng kanyang ama, ikaw pa?!?!? Maging ang maraming kababaihan ay hindi affected. Ikaw lang at mga shungabelz na kampon mo na may political agenda! Feelingerz ka kasi sa lahat ng aspeto! Maka-mema lang, sablay pa rin! Go home na lang, shupeee!”
Source: Facebook