Home Entertainment Boracay Top Choice ng mga Artista

Boracay Top Choice ng mga Artista

by

BORACAY TOP CHOICE NG MGA ARTISTA

Written by RB Jane

Matapos ang mahigpit at mahabang restriksyon sa pag labas at pag byahe  dulot ng pandemya kanya kanya byahe at bakasyon ang mga artista bago mag tapos ang taong 2020 at sa pagsalubong ng bagong taon 2021. Sinasamantala ng lahat ang pansamantalang pagluwag ng mga alituntunin sa pag byahe makalipas ang ECQ at GCQ sa ibat-ibang lugar.

Ito ang ilan sa mga artistang piniling mag enjoy sa buhangin ng napakagandang Boracay .

Kathryn Bernado at Daniel Padilla.

Sa update ng daily vlog ng actress na si Kathryn Bernado  na may pamagat na “Welcoming 2021 in Boracay: Our Wishes and Goals This Year” ay makikita ang dokomentadong kaganapan sa kanilang byahe.

Jayjay Helterbrand at RR Enriquez

Ang mundo ng kapalakaan ay masayang nag ingay sa bagong post ng kwelang TV personality na si RR. Ang pagsusungit naman ni Jayjay na laging inaabangan ng lahat at hindi na muna nagpakita, dahil isang napaka sweet na regalo ang handog nila para mga followers.

 Kim Chui at Zian Lim

Super treat para sa  “KIMZI” ang Boracay escapade na ito,  di man madalas makita ang bawat trip ng magkasintahan, ito ay especial dahil bukod kay Zi, bitbit rin ang buong pamilya ng Chui. Para masulit ang lahat na kaganapan dalawang magkahiwalay na vlog ang natapos ng loveteam.

 Kim Molina at Jerald Napoles

Makulit, maingay pero sweet. Ito ang mga kuha ng singing sweetheart sa kanilang bakasyon.

 Baninay Bautista

Mag isa man sa byahe at bakasyon ang dating housemate sa bahay ni kuya, kita naman ang kakaibang saya at excitement na nadarama. Matagal ang maghahanda ang pagpaplano ni Baninay sa kanyang byahe na kahit nasa bakasyon laging naka andar ang camera sa mukha bilang isang siakt na blogger na sya ngayon.

related posts

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy
Philippine Morning Post