Dating DLSU Professor, binweltahan ang mga kritiko ni Pangulong Duterte, “Reading comprehension is a huge problem talaga”

by Ellon Labana

Written by Abril Cyril Rodriguez

Muli na namang nakatanggap ng batikos sa social media si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong sabihin na siya ang huling tatanggap ng bakuna kontra C0VID-19.

Binweltahan naman ng dating DLSU professor na si Van Ybiernas ang mga kritiko sa pagkalito ng mga ito sa sinabi ni Pangulong Duterte na iaalok niya ang kaniyang sarili na mapabakunahan para sa bakuna na nasa clinical trial pa laban sa pahayag ni Duterte ngayon na siya ang huling tatanggap ng bakuna.

Saad ni Ybiernas,

“May mga bobong naguluhan sa sinabi ni Duterte noon na siya unang magpapaturok sa EKSPERIMENTO para sa bakuna ng C0VID at sa sinasabi niya ngayon na magpapahuli na siyang magpaturok. 

“Meron talagang mahina sa comprehension.”

Dagdag pa niya,

“Mauuna daw siya sa EKSPERIMENTO kung kailangan, bobo!”

May mga bobong naguluhan sa sinabi ni Duterte noon na siya unang magpapaturok sa EKSPERIMENTO para sa bakuna ng Covid at…

Posted by Van Ybiernas on Thursday, January 14, 2021

Pinaliwanag ni Ybiernes na dahil tapos na ang eksperimento at ang bakuna ay na-test na, napagpasyahan ni Pangulong Duterte na siya ang pupunta sa dulo para sa bakuna kontra COVID.

“Pero dahil tapos na ang eksperimento at “subok na ang bakuna, magpapahuli na lang siya.”

Pagpapatuloy pa ni Ybiernes na inalok umano ni Pangulong Duterte ang kaniyang sarili para sa experimental vaccine kung sakali man na takot pa din ang mga Pilipino para magpalita sa vaccine trial para ipakita sa mga ito na wala dapat silang ikatakot o ikabahala.

“Ibig sabihin – para sa mga bobong di makaintindi ito – kung takot ang ibang magpaturok sa testing, ang pangulo na ang mauuna para ipakitang walang dapat ikatakot.”

Ngunit dahil tapos na ang paghahanap ng bakuna at ang mga Pilipino ay naghahanap ng bakuna, handa ang Pangulo na ibigay ang kaniyang slot para sa mga ito.

Saad niya sa dulo ng post,

“Reading comprehension is a huge problem talaga. Huge problem. Big problem.”

Gayunpaman, komento naman ng mga netizens na binabatikos lamang umano ng mga kritiko si Pangulong Duterte para lamang makasunod sa iba na bumabatikos dito kahit pa man sila ay magmukha ng bobo.

“Basta pasok sa narrative sige lang, kahit magmukhang bobo.”

“makaatake lng ang mga talangka kahit magmukhang mga bobo .. yan ang mission nila.”

“Sinasadya minsan na walang comprehension para may maibato lang talaga.”


Source: Van Ybiernas

You may also like