Home Entertainment Julia Barretto, ‘taken’ nga ba?

Julia Barretto, ‘taken’ nga ba?

by

Written by: Cheska Alferez

MANILA, Philippines — Kapamilya actress Julia Barretto inamin umanong “taken” sa isang tiktok challenge at nag iwan pa ng ibang mga bakas tungkol sa kanyang diumanong kasalukuyang kasintahan.

Sa isang tiktok challenge noong January 9, 2021 na nanggaling kay Shamee Sugui, kasama ni Julia Baretto ang mga kaibigan na naglaro “This or That Challenge” isang sikat na laro sa nasabing social media kung saan may dalawang pagpipiliin at isa na doon ay ang single or taken.

@shameesugui

@chiefilomeno @keikofoxx @pressmanissa @aerielgrcia @#JuliaBarretto #Byanga

♬ It’s Tricky – RUN DMC

Isa si Julia Baretto na pinili ang “taken” na nagdulot ng iba’t ibang reaction sa mga manonood. Lalong umingay ang pangalan ng Kapamilya actress ng may pinili pa siyang “older” at “AFAM” ( A Foreign Assigned to Manila o mas kilala sa term na Foreigner) dahil sa mabilis na pagkatugma- tugma ng mga tagahanga ni Julia Baretto kung sino ang taong tinutukoy nito. 
Maraming nagsasabi na ang Co-star sa pelikulang “Between Maybes” ang tinutukoy nito na si Gerald Anderson, isang Filipino- American actor na may walong taong agwat sa Kapamilya actress Julia Baretto.

Ganon na lang kabilis napagpasyahan ng mga tao na si Gerald Anderson ang diumanong kasintahan na tinutukoy ni Julia Barretto dahil sa daming isyu nila noon na kumalat.

Nagsimula ito noong taong 2019 kung saan lagi silang nakikitang magkasama at pati na din umano sa taon na ito.
Makikita sa Instagram post ng Kapamilya actress ang isang larawan tungkol sa kanyang bagong aso pero hindi ito ang nakaagaw nang atensyon ng madla, kundi ang mabalahibong braso na makikita sa gilid ng larawan na diumanong braso ng Filipino- American actor na si Gerald Anderson.

Kahit ganon, nanatili pa ring tahimik ang magkabilang panig sa mga kumakalat na isyu tungkol sa nasabing relasyon nila. Nag iwan rin ng malaking katanungan sa madla kung si Gerald Anderson nga ba ang tinutukoy ni Julia Barretto sa nasabing Tiktok challenge.  

related posts

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy
Philippine Morning Post