Talaga nga namang napakalaki ng epekto ng krisis na dulot ng C0VID-19 pand3mic sa ating bansa. Napakarami sa ating mga kababayan ang nawalan ng negosyo, hanapbuhay, at trabaho dahilan para mas lalong maging mahirap ang buhay. Maging ang mga dati nating nakasanayan ay nagbago na din dahil tayo ay nasa ‘new normal’.
Ngayon ay nalilimitahan na din ang mga lugar na maaari nating puntahan at kinakailangan din na palaging magsuot ng face mask at face shield sa tuwing pupunta sa pampublikong lugar o lalabas ng bahay para masiguro ang kaligtasan mula sa C0VID-19.
At matapos nga ang halos isang taon na pakikipaglaban mula sa C0VID-19, sa wakas ay unti-unti na ding nakakagawa ang iba’t ibang bansa sa buong panig ng mundo ng vaccine o bakuna kontra C0VID-19.
Narito ang mga bakuna konta C0VID-19 na sinasabing ilalabas ngayong taon.
1. Novavax
Ang Novavax ay nagkakahalaga ng P366, Ito ay nasa Phase-3 na ng clinical trial at tinatayang nasa 30 milyon piraso ang inaasahang ipapadala sa bansa sa third quarter ng 2021.
2. Aztrazeneca
Ang Astrazeneca ay nagkakahalaga naman ng P610 na mayroong 90% na bisa, depende sa dosage na iyong iinumin. 20 milyon na piraso ang inaasahang ipapadala sa bansa bago mag Hunyo 2021.
3. Moderna
Ang Moderna ay nagkakahalaga naman ng P3,904 hanggang P4,504 na mayroong 94.5% na bisa. Sa ngayon ay nakikipag usap pa ang pamahalaan ng Pilipinas sa Moderna.
4. Gamaleya (Sputnik V)
Ang Gamaleya ay nagkakahalaga ng P1,220 na mayroong 92% na bisa. Umaasa naman ang pamahalaan ng Pilipinas na makakuha ng P50-100 milyon na doses ng Sputnik V vaccine.
5. Pfizer-Biontech
Ang Pfizer-Biontech ay nagkakahalaga ng P2,379 na may 95% na efficacy rate. Inaasahan naman na makakakuha ang Pilipinas ng 25-M doses ng naturang bakuna na ipapadala bago ang Hunyo 2021.
6. Sinovac
Ang Sinovac ay nagkakahalaga ng P3,629. Ito ay nasa 60% ang efficacy rate noong isinagawa ang trial ng naturang bakuna sa Brazil. Nasa 25-M na doses ang inaasahang darating sa Pebrero.
Source: GMA