Makati City, Nangunguna pa din bilang Pinakamayaman na syudad, Cebu City Nanatiling Pinakamayaman na Probinsya

by Ellon Labana

Written by Abril Cyril Rodriguez

Hindi maipagkakaila na isa ang Makati City sa pinakamayaman na syudad sa Pilipinas na mayroong tinatayang P233.7 bilyon na mga assets. Ito ay ayon sa Commission on Audit (COA) sa inilabas na 2019 Annual Financial Report ng local government units (LGUs).

Sa bagong Annual Financial Report (AFR) sa Local Government na inilabas, sinasabi na tumaas pa ng P2.948-B ang assets na mayroon ang Makati City mula sa kabuuang assets nito na P230.833 noong taong 2018. 

Pumapangalawa naman dito ang lugar ng Quezon City na umabot sa P96-B worth of assets. Sumunod na dito ang Manila na mayroong P64-B, at Pasig na nasa P45-B.

Kasama pa sa top 10 na ‘richest cities’ sa buong bansa ay ang Cebu City na mayroong P34-B, ang Mandaue City na nasa ika-anim na pwesto na mayroong P32-B na kabuuang assets.

Makati is once again the country’s richest city, with over ₱233 billion in total assets in 2019 bit.ly/39pTRqE

Posted by CNN Philippines on Wednesday, January 13, 2021

Ang pang pito naman ay ang Taguig City na mayroong P29-B. Ang Caloocan ay nasa pang walo na mayroong P20-B at ang Pasay naman ay nasa ika-siyam na puwesto na mayroong P19.795-B.

Nasa pang-sampung pwesto naman ang Davao Ciy, ang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong P19.784-B na total assets.

Samantala, ang Cebu naman ang nanguna bilang ‘richest province’ ng bansa na mayroong P203-B na total assets.

Sumunod ay ang Batangas na nasa ikalawang pwesto na mayroong P20.793-B, Rizal na nasa pangatlo na mayroong P20.275-B, pang-apat naman sa pwesto ang Davao de Oro na may P20.1-B, at ang Bukidnon na nasa ikalima ay mayroong P18-B.

Kabilang din sa top 10 ‘richest province’ ay ang Surigao del Norte na mayroong P16-B, Negros Occidential na may P15-B, Leyte na may P13.541-B, Palawan na may P13.036, at Iloilo na may P13.035.

Sinabi ng COA na ito ang buod ng 2019 AFR financial statements ng 1,653 mga local government unit (LGUs) na binubuo ng 79 na mga lalawigan, 144 na mga lungsod at 1,430 na mga munisipalidad.


Source: GMA

You may also like