Parokya ni Edgar sa 6th Wish Music Award

by Ellon Labana

PAROKYA NI EDGAR SA 6TH WISH MUSIC AWARD

Written by RB Jane

“Are you ready to watch one of the country’s most iconic band do what they do best…” pagpapakilala ng mga host  ng 6th Wish Music Award ng tawagin ang bandang Parokya ni Edgar.

 “Hello, kami po ang Parokya ni Edgar, and [ahh ] sa wakas naka  dating din tayo sa napaka gandang  bus ng Wish Fm,  so thank you sa mga [ah] wishers na nakikinig dito sa 107. 5 …” Pagbati ng Parokya lead vocalist na si Chito Miranda.

Nakilala ang bandang Parokya ni Edgar noong 1993 na binansagang Pambansang banda ng Pilipinas.

Kasama sa parokya sina Chito Miranda ang mukha at bukalista ng banda, Vinci Montaner ang siyang boses sa backup at adlibs, Gab Chee Kee sa rthym guitar, ang drummer na si Dindin Moreno, Buwi Meneses sa bass guitar, at sa lead guitar na si Darius Semaña. Bagamat haitus ang estado ng backup na si Vinci ay madalas parin naman itong pumupunta sa mga gigs ng banda.

Unang nagmarka sa madla ang Parokya ni Edgar ng maging front performer sila sa mga concerts ng bandang Eraserheads. Ito ang siyang naging daan at nagbukas ng napakaraming tagumpay ng banda sa mundo ng musika.

Nangunguna sa kakulitan ang banda mapa sa kanta man o di kayay sa mga gigs. Patunay na dito ang mga naging pangalan ng kanilang  mga albums pati narin ang mga kwento sa likod ng kanilang mga hit songs na nanatiling buhay na buhay sa ngayun.

Matatandaang nagkagulo rin sa social media nang  e-share ni Chito ang nag hit na cover si Julie Ann San Jose sa kantang Yong Song ng banda noon pang Febrero ng 2018. Ito ay  nagbunga nga ng imbitasyon ng programa para mismo sa Parokya.

Watch This Video:

Ilan sa mga kantang ibinida ng Parokya sa gabi ng parangal ng Wish ay ang mga hit songs na Para Sa Yo at Your Song.

You may also like