Written by Abril Cyril Rodriguez
Hindi lingid sa kaalaman nating lahat ang pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte pagdating sa posibleng pagtakbo nito sa darating na Halalan 2022 para maupo sa pwesto bilang Pangulo ng bansa. Gayunpaman, para kay Pangulong Duterte, pinapayuhan niya si Sara na huwag ng tumakbo sa pagka Presidente dahil ito ay trabaho ng isang lalaki.
Syempre, ang mga supporters ni Leni Robredo, Grace Poe at iba pang mga politiko na nais makuha ang pwesto ng pagiging Pangulo ng bansa ay nagalak sa balita ng hindi pagtakbo ni Sara Duterte sa mataas na posisyon dahil sa payo ng kaniyang ama. Ngunit, ang mga Duterte supporters, kasama na ang dating broadcaster na si Jay Sonza ay labis na nalungkot sa balitang ito.
Alam umano ni Sonza, ang longtime friend at supporters ng Dutertes, ang maaaring makapagpabago sa isip ni Pangulong Duterte at payagan na ang kaniyang anak na tumakbo bilang Pangulo sa 2022.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Sonza na gusto niya ang mga kaaway nila sa politiko at ang tinatawag niyang ‘wokes’ na magpatuloy sa pag-atake kay Pangulong Duterte hanggang sa mapuno na ito at magalit.
Hiling ni Sonza na kung mangyayari man nga iyon, maaaring magbago pa ang isip ni Pangulong Duterte at hindi na pipigilan pa si Sara na tumakbo bilang Pangulo sa 2022 Presidential election.
At si Sara na ang magtutuloy ng nasimulan ng kaniyang ama at ang pamana na iniwan nito na maging tapat sa pagbibigay ng serbisyo sa bansa at ang mga hinanaing ng mga Pilipino.
Dagdag pa ni Sonza, maaaring tumakbo umano si Sara sa pagka-Presidente sa 2022 election kapag hindi na siya hinihikayat ng kaniyang ama na huwag tumakbo para sa naturang posisyon.
Sinabi pa ni Sonza na siya ay sigurado na ang 97% na mga Pilipino ay magbibigay ng suporta kay Sara. Binalaan pa niya ang mga kritiko ng Pangulo na kapag pinagpatuloy nila ang pangbabatikos at pagtawag ng pangalan kay Pangulong Duterte at Sara, maaaring mapuno na ito at hindi na pigilan pa si Sara sa pagtakbo ng pagka-Presidente.
Narito ang kabuuang pahayag ni Sonza,
“gustong-gusto iyong inuupakan si Digong ng mga kalaban sa pulitika at gobyerno at mga wokenimam.
gusto kong mainis at mayamot si Mayor President hanggang sa magalit at manggalaiti siya ng todo-todo.
Kasi, kapag nangyari ito maiinis hanggang sa magagalit ng husto si Pres. Duterte sa mga hinayupak at mga kuwanggol.
Magbabago ang kanyang isip at baka maisipan niyang huwag ng pigilan si Inday Sara.
Maipagpapatuloy na ni Mayor Duterte ang nasimulan ng kanyang tatay na puksain ang mga NPA extortionist at terrorist.
Maipagpapatuloy ni Mayor Duterte ang nasimulan ng kanyang ama na tapat na paglilingkod sa bansa.
Maipagpapatuloy ni Mayor Duterte ang nasimulan ng kanyang father na tunay na malasakit sa mamamayang Pilipino.
Kapag hindi na pigilan ni Digong si Mayor Duterte, tutuloy na si Inday Sara sa pagtakbo bilang pangulo sa 2022.
E, siguradong susuportahan siya ng 97% para sa tiyak na panalo.
Kaya sige, upakan nyo ng husto si Pangulong Duterte. Tawagin ninyong diktador, mamamatay tao, sexist, kawatan, lahat na.
Kasi kapag ang anak na mismo ang nagalit, lalo ng walang makakapigil, kahit pa ang ama.”
Source: Jay Sonza