TEDDY CASINO, NANAWAGAN SA MGA BOTANTE SA DARATING NA HALALAN! “SA SUSUNOD NA ELEKSYON, DAPAT MAS CHOOSY TAYO,”
Written by Abril Cyril Rodriguez
Sa isang social media post, nanawagan si dating Bayan Muna Representative Teddy Casino sa publiko, lalo na sa mga botante na maging mapanuri at mapili o ‘choosy’ pagdating sa kanilang mga iboboto na mga politiko sa darating na Halalan 2020.Ang pahayag na ito ni Casino ay matapos ang naging kontrobersiyal na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na huwag maging pihikan o mapili pagdating sa brand ng bakuna na kanilang gagamitin kontra C0VID-19.
Ani Casino sa kaniyang Twitter account,
“Sa susunod na eleksyon, dapat mas choosy tayo.”
Ang nasabing pahayag ni Casino ay umabi naman ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.
Narito ang ilan:
“Yes we are and we should! We will wipe out again to inidoros all other kabaros! It’ll be a history, again!
“Yes tama naman! Le us vote wisely. Kailangan ma-educate ang mga Pilipino na maging mas wais sa kanilang mga iboboto. Kailangan natin ng great leaders na makakapag-inspire sa atin!”
“Sure, oo naman, so wala na po kayo sa listahan namin. Doon lang po kami sa mga totoong partido.”
Matatandaan na sinabi ni Roque na hindi maaaring mamili pagdating sa brand ng libreng bakuna para sa mga magpapaturok. Dagdag pa niya, kahit pa man mayroong karapatan ang lahat para magkaroon ng mabuting kalusugan, hindi pa din maaaring maging pihikan ang mga magpapabakuna. Saad pa niya, hindi din daw nila pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.
Aniya,
Watch This Video:
“Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan.”
Dagdag pa niya,
“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay may prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna.”