ABS-CBN noon, TV5 na Ngayon

by Ellon Labana

ABS-CBN NOON, TV5 NA NGAYON

Written by RB Jane

Opisyal nang naglabas ng anunsyo ang pamunuan ng kapamilya network ukol sa pag lipat ng ilang mga program sa ibang estasyon.

Ang pangkalahatang programa ng kapamilya ay katha sa ABS-CBN Corporation Entertainment Division. Ang Entertainment group ang tagapamahala sa mga original na programa tulad ng musikahan at mga palabas na Showbiz, Lifestyle, Komedya, Gag shows at sitcoms. Dreamscape at Star Creatives ang namamahala sa mga programang hango sa mga telenobela at mga sulat kwento.

 Para sa mga balita, serbisyo publiko, mga  dokyumentaryo ang ABS-CBN News at marami pang kaibang programa tulad ng mga palabas sa ibat-ibang rehiyon, mga special nga programang pangpalakasan at pagbibigay parangal.

Matatandaaang opisyal na nagpaalam ang buong  Kapamilya Network sa pamamagitan ng Pambansang awit ng Pilipinas, gabi noong Mayo 5, 2020.

Simula January 24, Sunday, Buong bansa na ang makakapanuod ng ASAP Natin 'To at FPJ Da King dahil sabay-sabay na itong mapapanuod sa Kapamilya Channel, A2Z at ngayon sa TV5.

Posted by HOLA on Wednesday, January 20, 2021

Ang kontroberseya ng pagsasara sa ABS-CBN network ay umabot ng napakahabang pagtalakay sa kongreso at senado.

Ilan sa  mga program ng Kapamilya network na ipapalabas sa TV5 ay ang ASAP Natin ‘To” at “FPJ: Da King,”.

“We are pleases to welcome the ASAP family and the films of the one and only king of Philippine movies to Cignal and TV5. The top-rated content, combined with Cignal and TV5’s strengths in technology, direct to consumer distribution, and mobile and Broadband reach, will usher in a new viewing experience for fans and subscribes alike,”  pahayag ni Galang.

Ang paglabas ng mga programa sa TV5 ay bunga ng kulaborasyon ng Cignal, TV5, production ng Brightlight at ABS-CBN, na nagmamarka ng simula at paglulunsad ng mas matibay na samahan ng malalakas na pwersa sa industriya ng telebesyon.

“The future of entertainment media is rapidly converging around a dynamic mix of traditional and digital platforms,with Cignal and TV5 launchig new content and synergies that will disrupt conventional broadcast methods. We are committed to continouly explore more initatives to provide the best of both worlds to all our stake holders.”  Dagdag ni Robert P. Galang ang Presidente atCEO  ng TV5 Network at Cignal TV.

You may also like