Home LATEST VIDEO: China Roces, Emosyonal sa Tuluyang Paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer

VIDEO: China Roces, Emosyonal sa Tuluyang Paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer

by

Hindi man natupad ni China Roces ang pinapangarap niyang Pasko dahil sa tuluyang pakikipaghiwalay sa kaniya ng vlogger na si Tim Sawyer, gayunpaman, labis pa din ang pasasalamat niya para sa lahat ng biyaya na kaniyang natanggap ngayong 2020, lalo na ang pagdating ni baby Timothy sa kaniyang buhay.

Matatandaan na naging trending at usap-usapan sa social media ang dalawa nito lamang matapos magkaroon ng live video si China at ibinulgar lahat ng nangyayari sa relasyon nila ni Tim. Doon ay inilantad ni China na nangbababae umano ang kaniyang partner.

Dagdag pa niya, bumili umano si Tim ng bahay nang hindi niya nalalaman dahil sa paghahanda umano nito para sa kanilang paghihiwalay. Umabot pa nga ang kanilang isyu sa programa ng TV5 na Raffy Tulfo in Action kung saan nagawa namang makapag-ayos ng dalawa sa tulong na din ni Raffy Tulfo.

Ngunit, sa bagong video na ipinost ni China, hindi niya mapigilan na maging emosyonal at maluha dahil hindi niya alam umano kung paano nila sasalubungin ang Pasko ng wala si Tim Sawyer. 

Sinabi pa ni China na sa kabila nito ay nagpapasalamat pa din siya para sa lahat ng biyaya na kaniyang natanggap ngayong taon at isa sa mga pangarap na kaniyang natupad ay ang pagkakaroon ng sariling bahay at Christmas tree.

Ayon kay China, sa bahay niya sana sila magdidiwang ng pasko kasama ang kaniyang sariling pamilya. Ngunit, emosyonal na ibinahagi ng vlogger na hindi sila magkasama ni Tim ngayong holiday season.

Umiiyak na paglalahat ni China,

“Ang masaklap kasi na nangyari ngayong pasko, yung first time na Christmas ko sana kasama akasama pamilya ko yung anak ko, yung asawa ko… dito sa bahay yung pamilya ko.”

Dahil sa nangyari ay napagdesisyunan ni China na sa bahay na lamang ng kaniyang mga magulang sila magdiwang ng pasko kasama si baby Timothy.

“Sobrang nakakalungkot lang kasi pangarap ko to.”

Lalo pang bumuhos ang kaniyang luha matapos niyang ibahagi na sinubukan umano niyang isalba ang kanilang relasyon ngunit talagang hindi na sila nagkaayos pa ni Tim.

Panoorin ang Video:

HINDI NA NATUPAD ANG DIWA NG PASKO😭😢😭

HINDI NA NATUPAD ANG DIWA NG PASKO😭🥺😢

Posted by China Roces on Thursday, December 24, 2020

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng suporta at pagmamahal para kay China.

related posts

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy
Philippine Morning Post