Dalawang bata, nag-ambagan gamit ang kanilang mga napamaskuhan para makakain ng pizza sa araw ng Pasko
Umantig sa puso ng publiko ang dalawang bata na ito matapos silang makuhanan ng litrato habang sila ay kumakain ng pizza.
Ang pagkain ng pizza ay tila ba ordinaryong bagay na lamang para sa karamihan sa atin. Ngunit ang totoo ay marami pa din sa ating mga kababayan ang kailangan pang magbilad sa araw-, mag-doble kayod, mag-ipon o mag-ambagan para lamang makatikim ng masarap na pagkain na ito. Ito ang napagtanto ng marami noong kumalat sa social media ang dalawang bata na masayang kumakain ng pizza sa araw ng Pasko.
Matapos ang mahabang araw ng pamamasko, maligayang pumasok ang dalawang bata sa isang pizza place para makakain ng masarap.
Ayon sa Facebook page na ‘Pizza Pan Out’, umantig umano sa kanilang mga puso nang makita na naga-ambagan pa ang dalawang bata at binibilang ang barya, na marahil kanilang napamaskuhan, para makabili ng pizza.
Nagtanong pa nga daw sa mga staff ang dalawa kung ano ang pizza ang kasya sa pera na kanilang dala.
Saad sa post,
“These kids melt our hearts. Galing siguro silang pamamasko and they came to Muzon shop, asking “Ano pong pwede namin bilhin o kasya sa pera namin, yung pinaka mura po?” They ordered Ham bacon and cheese 8inch our smaller size, they counted their money outside, nag aambagan sila and asked for milktea kaso wala na daw silang pera so small bottle of soft drinks na lang.”
Bilang aginaldo at pamasko na din sa dalawang bata, hindi nagdalawang isip ang mga staff na mag-ambagan na din para i-upgrade ang pizza size na order ng mga bata.
Dagdag ng post,
“And our staff decided mag-ambag to upsize their order to 12inch as a Christmas gift. They enjoy eating outside at halos di nila maubos ang dami daw but they did. So sweet. Thank you kids for coming at pag-ipunan para maka try kayo ng pizza namin. Till next time merry Christmas.”