Home Entertainment KathNiel Parin Sa 2021

KathNiel Parin Sa 2021

by

KATHNIEL PARIN SA 2021

Written by RB Jane

Ang hari at reyna ng tv at pelikula ng henerasyon ngayon ay magsasamang muli para sa panibagong proyektong handog para sa lahat.

Kathryn Chandria Manuel Bernardo, 24 o mas kilalang Kathryn Bernardo at Daniel John Ford Padilla, 25, Daniel Padilla, ay  bukod sa tinitingala at iniidolo ng masa at binansagang ngang bagong hari at reyna ng industria sa kanilang panahon.

Hindi matatawaran ang pwersa ng tambalang ilang ulit nasungkit ang tuktuk ng tagumpay sa mga binagbidahang palabas at pelikula.

Nagsimulang kinagiliwan ng lahat ang kyut at makulit na batang Kathryn sa mahusay na pag-ganap nito sa Super Inggo. Bata paman ay nakitaan na ng angking galing sa pag-arte.

Mula naman sa angkan ng mga Padilla si Daniel na unang nasilayan sa isang TV series noong 2011.

Nagsimulang pakiligin ng dalawa ang madla sa Growing Up at Princess and I na tuloy tuloy na ang mga proyektong pinagbidahan ng dalawa.

Ilan pa sa mga kinagiliwang palabas ang Got to believe, Must be Love, She’s Dating a Gangster, Crazy Beautiful You, Barcelona at marami pang iba.

Sumikat man sa kanya kanyang personalidad ang dalawa nanatiling magkadikit ang pangalan sa isa’t-isa. Nakilalang singer si Daniel at dumagsa naman ang proyektong kinabibilangan ni Kathryn.

Umugong ang samot saring usap-usapan sa totong relasyon ng dalawa bago paman naganap ang pag-amin ni Daniel sa isang interview na kinumpirma naman ni Kath.

Watch This Video:

Sa mga post nga ni Juan Miguel Severo sa Twitter ay ipikita nito ang  script ng Kathniel series 2021.

“Una, excited kami sa teleserye na gagawin, kasi yung concept nun, nanggaling kay Gege (Severo). So, it’s something na gusto namin ni DJ talaga kaya medyo nadelay dahil inaayos pa yung script. We’re happy because we’re working on a project na gusto namin yung concept,” sabi pa ni Kath ng matabong patungkol sa nasabing proyekto.

related posts

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy
Philippine Morning Post