Limang Libong Piso Para kay Lapu-Lapu

by Ellon Labana

LIMANG LIBONG PISO PARA KAY LAPU-LAPU

Written by RB Jane

Bangko Sentrtal ng Pilinas isinapubliko ang desenyo ng bagong perang papel. Ito ay para sa pag gunita sa anibersaryo ng makulay na kasaysayan ng “Battle of Mactan”. 

Photo by wikipedia

Sa ika -500 taon makalipas ang pagkapanalo mula sa mananakop  na mga Espanyol sa ating bansa ay sabay ngang inilabas ang bagong perang papel at ang medalya ng karangalan.

Idinaos sa  Fort San Antonio Abad BSP Complex sa Manila ang okasyon sa pangunguna ng BSP Deputy Governor Francisco Dakila.

Ang limanlibong peso ay sa mukha ng Bayaning si Lapu-lapu, makikita sa likod ng pera ang larawang ng bundok Apo, ang pambansang ibon ng Pilipipinas na Agila, at ang puno ng niyog. Isa sa makahulugang  simbolo ng bagong pera ay ang larawan ng sinaunang saksakyang pandigma sa dagat na Karaoka.

PHP 5,000 BANKNOTE. Inilunsad na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang disenyo ng P5,000 banknote at commemorative medal…

Posted by ABS-CBN News on Monday, January 18, 2021

Ang desenyo naman ng medalya ng karangalan ay kasunod sa densenyo ng sikat na Lapu-Lapu Shrine sa Cebu. Sa likod ng medalya ay makikita ang imahe at ang petsa  Abril 27, 1521 ng Battle of Mactan.

Layunin ng pamunuan na ang paglabas ng bagong salapi ay siya ding pagbubukas imporsmasyon para sa bagong henerasyon ukol sa makasaysayang kwento ng kabayanian ni Lapu-lapu at mga magigiting na mandirigma ng ating bansa.

“The BSP and National Quincentennial Committee (NQC) have collaborated on this commemorative banknote and medal to celebrate the heroism of Lapulapu and his warriors, and to familiarize the present generation with the country’s rich pre-colonial history,” paahayag ni Dakila.

Nag paabot naman ng mensahi at pagbati ang Pangulo sa papagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na siyang tummanggap ng parangal bilang paghalili.

Watch This Video:

Hindi kasali sa sirkulasyon ng pera sa Pilipinas ang limanlibong Peso at maaari lamang bilhin ng publiko pati narin ang medalyo.

Ang pamunuan ng  Bangko Sentral  ay maglalabas ng hiwalay na anusyo sa darating na March 2021 para sa mga alituntuning dapat sundin sa pagbili ng makasaysayang pera.

You may also like