PILIPINAS AT CHINA, NILAGDAAN NA ANG KONTRATA PARA SA $940-M SUBIC-CLARK RAILWAY PROJECT
Written by Abril Cyril Rodriguez
Nito lamang Sabado, Enero 16, pinirmahan na ng Pilipinas ang China ang kasunduan sa komersiyal para sa Subic-Clark Railway project na nagkakahalaga ng tinatayang $940-M o mahigit na P45-B.
Sinasabi na ang gobyerno ng China ang siyang magbibigay ng pondo para sa nabanggit na proyekto. Ito din ang itinuturing bilang pinakamalaking G2G (government-to-government) na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang nabanggit na proyekto ay isa din sa mga flagship project ng aministrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng kaniyang “Build, Build, Build” program.
Sa isang social media post, inanunsiyo ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang naging paglagda ng dalawang bansa sa kontrata ng proyekto.
Saad ni Ambassador Huang,
“Our cooperation continues! China and the Philippines just signed the commercial contract for the Subic-Clark railway project. This is so far the highest funded G2G project between the two countries valued at approx. $940 million and is the flagship project under the administration’s “Build, Build, Build” program.”
Ang single track railway na mayroong haba na 71 kilometro ay magiging karugtong ng North Railway Project na proyekto ng DOTr at ma-uugany din sa Subic Bay Freeport Zone at Clark International Airport.
Ang naturang proyekto ay nakatakdang matapos sa loob ng 42 buwan o halos dalawang taon na ibabase ang paggawa sa Chinese construction standards.
Ani pa ng Chinese envoy,
Watch This Video:
“Once completed, the railway will build resilient linkages between the commercial zones along the Subic-Clark corridor. Glad to see the improvement in logistic efficiency and other economic activities in the region.”
Anumang oras ngayon ay sisimulan na ang pag-aayos ng mga dokumento para sa negosasyon ng loan agreement.
Source: Facebook, ABS-CBN, CRI