Home Entertainment VIDEO: “IZLA“ MALAPIT NA!

VIDEO: “IZLA“ MALAPIT NA!

by

“IZLA“ MALAPIT NA!

Written by RB Jane

Isang bagong pelikula ang handog ngayon ng Direktor na si Barry Gonzales kung saan tampok ang magaganda at seksing artistang kinabibilangan nina Isabelle Daza,  Sunshine Garcia, Beauty Gonzales,  Aikoo Climaco, Elisse Joson at kasama rin ang magagaling na character actors na sina  Archie Alemania at Paolo Contes, at marami pang iba.

Ilan sa mga gawa  ni Director Barry ay tampok sa mga episodes ng Maala-ala Mo Kaya at Ipaglaban Mo. Mas nakilala ang pangalan niya ng naging parte ng international movie na  “The Bourne Legacy” noong  2012, kung saan ang mga  huling parte ng pelikula ay dito mismo sa Pilipinas ginawa.

Ang mahabang listahan ng mga proyektong kinabilangan ni Barry Gonzales ay isang patunay sa pagkahubog ng kangyang galing bilang isang direktor.

IZLA WRAP! Abangan sila Elisse Joson, Beauty Gonzales, sunshine garcia, Isabelle Daza, Analyn Barro, Aiko Climaco, Archie Alemania at Paolo Contis sa best comedy film ng 2021!!! #Ninjakol #IZLA

Posted by Mavx Productions on Sunday, January 10, 2021

Naging mas matunog  sa mundo ng pelikula  ang pangalan ng direktor dahil sa kanyang  mga obra. Ilan dito ay ang Fantastika at The Mall, The Merrier na parehong pinagbidahan ni Vice Ganda. 

Dahil sa mahusay na tanghal ng kanyang mga gawa  sa takilya, inaabangan ng marami ang kanyang mga pelikula.  

Sa Instagram post ni Sunshine Garcia ay makikita ang mga artista na masayang naghahanda suot ang makukulay na swimming suits at two piece. 

Sakay  ng isang magarbong yate, masaya ang lahat sa mga larawan na kuha sa gitnang dagat, kasama ang buong cast ng pelikula. Ang lokasyon ay napakagandang tanawin nang yamang dagat sa ating bansa.

Positibo  ang samahan ng  lahat  na game na game sa mga wacky pictures.

Ayon pa sa post ni Shine ay seryoso ang tema ng nasabing pelikula at subrang gaan katrabaho ang mga artistang kasama niya. “HAPPY SET lang lagi at More Foods!”

Ito ay kwento ng mga ninja at bunga ng experimento.

Mula sa Mavz Production at sa direksyon ni Direktor Barry Gonzalez, narinig niyo na ba ang kwento ng mga Ninjakol, mula sa IZLA, malapit na malapit na.

related posts

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy
Philippine Morning Post